Log in

I forgot my password

Gallery


Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Statistics
We have 33 registered users
The newest registered user is vanalporshydcadk

Our users have posted a total of 694 messages in 104 subjects

HELLO EVERYONE

View previous topic View next topic Go down

HELLO EVERYONE

Post  Admin on Sat Mar 14 2009, 12:10

HELLO EVERYONE! YOU CAN POST YOUR BLOG HERE. ENJOY AND GOD BLESS..

_________________
"You shall love the Lord, your God, with all your heart, with all your soul, and with all your mind"..
avatar
Admin
Admin

Male
Number of posts : 81
Age : 41
Location : Manila, Philippines
Registration date : 2008-10-26

View user profile http://kristohanongbarkada.aforumfree.com

Back to top Go down

HERE IS MINE

Post  @doi on Sat Mar 14 2009, 12:13

Is there still hope for the Philippines? I sincerely think so. For as
long as we still have in our midst the likes of Gov. Grace Padaca of
Isabela, Gov. Ed Panlilio of Pampanga, Gov. Jesse Robredo, Mayor Sonia
Lorenzo of San Antonio, Nueve Ecija, and other righteous, morally
upright non-traditional politicians, I believe there is still a glimmer
of hope. Let us all pray so that their tribe may increase.

Please
spare a little time to read the article below of Gov. Grace Padaca of
Isabela, the woman who crushed the once powerful political dynasty in
Isabela.

Wally C. Caancan
Spokesperson,
Consumers' Coalition for Truthful Information



Eh, kasi Babae
ni: Gov. Grace Padaca
Abante Tonite
http://abante- tonite.com/ issue/mar1109/ opinions_ grace.htm
Noong bigla akong nanalong gobernador ng Isabela taong 2004,
naging banner headline ng isang malaking paha­yagan ang ganito: “Woman
beats Isabela governor”. Akala ng isa kong kababayan na sa Manila na
nakatira na mayroong babaeng bumugbog kay Gov. Faustino Dy Jr. sa amin
kasi, mas madali pang paniwalaan ng ilan ang ganoon kaysa ang mayroong
makatalo sa dynasty, babae pa!
***
Ako, na-appreciate ko nang
husto na hindi ang pagi­ging pilay ko ang nabigyang-diin kung hindi ang
aking pagi­ging babae. Siguro mas nakabenta pa ng higit na marami ang
dyaryo kung sinabi nilang “polio victim beats Isabela go­vernor”.
***
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon lang ng babaeng gobernador ang Isabela noong ika-148 taon na nito. Ako ‘yun.
***
Noong
una, ramdam na ramdam ko ang paninibago ng mga mayor at barangay
kapitan na karamihan ay lalake sa kanilang pakikipag-ugnayan sa akin.
Kayo ba naman ang masanay na pamunuan o laging diktahan ng mga macho.
***
Alam
ko, minemenos ako ng marami noon, babae na, pilay pa. Ayaw nila akong
kilalaning bagong pinuno. Hindi sila pumupunta sa akin.
Sabi ko,
kung sisikapin ko silang suyuin, mauubos na ang panahon ko ay hindi pa
rin nila ako papansinin. Ang haba kaya ng pinagsamahan nila noong mga
dati.
***
Eh ‘di ‘yung mga nagpupunta na lang sa akin ang
inaasikaso ko. Iyong mga kapitan ng barangay na inilalapit sa
gobernador ang mga mahirap na kalagayan ng kanilang mga mamamayan at
inihihingi nila ng tulong.
***
Nakinig akong mabuti sa kanilang
mga hinaing. Pinag-usapan namin kung ano ang kanilang kailangan. At ito
ay ibinigay ko kahit alam kong ang kapitan sa harap ko ay isa rin sa
mga nagamit para ako ay dayain at alipustahin noong mga nakaraang
halalan.
***
Pero wala akong karapatang maghiganti. Wala ring
oras na dapat sayangin para maibigay na sa mga Isabelino ang mga
matagal na naipagkait sa kanila.
***
Ibinigay ko ang tiwala ko sa
mga kapitan. Hinamon ko silang gamitin nang mabuti ang perang tulong ng
kapitolyo para sa kanilang mga proyekto. Pina-inspect ko sa aking mga
kasama ang kanilang mga nagawa.
***
Hindi sila makapaniwala na
direkta nang nakakausap ng mga taga-barangay ang gobernador. Dati raw,
sa mayor lang idinadaan ang lahat. Noong pinagkatiwalaan ko ang mga
ka­pitan, pinagbuti nila ang kanilang mga gawa at sabay kaming
nakapagbigay ng serbisyo sa aming mga apo Isabelino.
***
Nabalitaan
ito ng iba pang kapitan sa lahat ng sulok ng Isabela at sila nga ay
hindi rin nabigo sa akin. Pinuntahan ko rin, hindi ang mga munisipyo
kung hindi ang mga liblib na barangay. Minsan noong ipinapakilala ako
ng kapitan sa harap ng kanyang mga nasasakupan, napaiyak pa siya dahil
noon lang daw nakarating sa kanilang malayo at mahirap na pook ang
mismong gobernador ng probinsya.
***
Nang dinadagsa na ng
maraming taga-barangay ang akin­g lingguhang people’s day o
ugnayang-bayan sa kapitolyo, unti-unti ay lumalapit na rin sa akin ang
mga mayor. Kung noon, sa 36 na mayor ng Isabela ay tatlo lang ang
nagpupunta sa akin, ngayon, sa 36 na iyon ay mga tatlo o anim na lang
ang nagmamatigas pa. Kahit hindi kami magkaka-partido, karamihan sa
kanila ay nakakaugnayan ko na para pagtulungan namin ang mas mabilis at
mas malawak na pagbibigay ng serbisyo sa aming mga nasasakupan.
***
Nito
lamang 2009, napaluha sa harap ko ang isang ma­yor ng isang maliit at
malayong bayan ng Isabela na binuhusan ko ng maraming tulong pinansyal
ng kapitolyo, kahit kakaunti ang mga botante sa lugar na iyon.
Tinatanong niya kasi kung totoo bang tatakbo akong senador at iiwanan
ko na ba ang Isabela. Ngayon lang daw kasi may nagpahalaga sa kanila
kahit hindi sila malaking bayan.
***
Wala sa pagiging babae o
lalake ang matapat na serbis­yo. Nasa pagkatao, nasa pagiging totoo,
nasa tunay na pagmamalasakit sa bayan mo. Kung mayroon nito, lalong
titingkad ang dati nang magagandang katangiang mayroon ang isa mang
babae o lalake.

_________________
"loving is everything we need to become a better person"...
avatar
@doi
Admin

Male
Number of posts : 268
Age : 41
Location : Metro Manila
Registration date : 2008-10-27

View user profile http://www.doifr.multiply.com

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum